Wednesday, June 29, 2005

Merong Diyos

Hindi dahil sa relihiyoso ang aking ina at mayroon akong titang madre.... pero sa tingin ko nakatulong din ang mga ito. Malaki ang pagtitiwala ko sa Diyos. Malaki ang paniniwala ko sa Diyos... na kung ano ang aking pagkukulang, iyun ang kanyang pinupuna. Kahit gaano ako ka-tradisyunal, mahilig pa rin ako magpamisa.

Sa Microeconomics na huling pagsusulit, nagpamisa ako. Sa awa ng Diyos, nakapasa kami ng aking mga kaibigan. Nagpamisa ulit ako ng Thanksgiving.

Nang kumuha ako ng pagsusulit para magbakasakaling makakuha ng scholarship, kinabahan ako sapagkat kalahati lang ang alam ko sa math. Nagpaturo ako ng calculus, trigonometry at kung anu-ano pang kabaliwan at kababalaghan sa aking mga kaibigan. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

At dahil pambansa ang paghahanap ng mga iskolar, lalo akong nawalan ng pag-asa... pero hindi ako tumigil sa pagdasal.

Magtiwala kayo sa akin. Kahit sa tingin ninyo wala na kayong pag-asa at lahat na ng malas ay lalanghapin ninyo... huwag kayong mag atubiling humingi ng lakas ng loob sa Diyos. Naniniwala ako.

1 comment:

Anonymous said...

Natutuwa ako at may Diyos na nangangalaga sa iyo. Congrats din, at sana'y makuha mo ang scholarship upang makatungo ka sa mahiwagang kaharian ng Japan at pakyawin ang lahat ng Yaoi doon. Hayaan mo, hindi kita aagawan. Huwag mo lamang kalimutan na dalhan ako ng kahit ano, kung girlfriend ay mas mainam. LOL

Pao