Friday, June 10, 2005

E Bakit Ganun?

Kay tagal nang panahon ang nakalilipas. Sapat na upang kalimutan at ibaon sa ilalim ng aking kamalayan. Itinapos ko na ang yugtong iyon ng buhay ko. Matagal ko nang tinanggap ang katotohanan. Wala naman akong kapangyarihan upang pigilin ito. Sino nga naman ako para gawin ang bagay na iyun?

Pero naintidihan ko na kung bakit nangyari. At masaya ako na hindi ako gumawa ng kalokohan na dala ng emosyon. Masunuring bata. Masyadong masunurin nga lang.

Nagbabalik na naman. Dumami ang tauhan. Nagdadalawang-isip na naman ako. Hindi na mapakali. Bakit ba ayaw akong pabayaan? Tahimik na ang aking mundo. Masaya na ako (ngunit hindi kasingsaya ng dati). Wala na akong problemang ganyan. Pero ginugulo na naman ang aking isipan. Buti na lamang hindi pa pasukan. Pwede ko munang pagtuunan ng pansin.

Ngunit hindi ko maintindihan. Hindi lohikal ang mga galaw. Minsan ganito, sa susunod, hindi naman. Nang-aasar ba. Sarap tuhugin. Malabo talaga. Asymmetric information kasi e.

Sana, kahit ano ang mangyari, sana lahat maging masaya.

Basta, tatanggapin ko nalang. Wala naman akong magagawa diba?


No comments: