Noong isang linggo, nagyaya si aR na mag-overnight sa Binangonan upang mag-celebrate ng kanyang ika-21 Founding Day. Natuwa naman ako na maraming sumama. Yung mga hindi nakapunta, hindi ko na talaga mapilit... kasi si Inca may immersion at si Joan, may family affair.
Sumabay kami ni Iking sa van ni Gracie. Kasama si Dana, Mang Domeng at si Tita Merla. Medyo nawala pero nakaraos din.
Masaya ang naging pakiramdam ng lahat kahit umuulan. Magtatampisaw sa swimming pool lang naman kaya hindi abala sa amin ang mabasa ng ulan. May videoke rin na inubos namin ang lahat ng 5-peso coins para lang maka-birit at maka-sayaw. May mga nag-laro ng poker c/o Dugong. Nakakain din ako ng itik ng unang beses. Di ko talaga kayang kainin ang gizzard kahit anong mangyari.
Of course, hindi nawala ang video taking at picture taking. Pero doon ko nalang ilalagay sa aking photo album. Kung gusto ninyo, doon ko nilagay ang lahat ng litrato ko. Hanapin ninyo ang Lake Villa na album sa http://yenie.multiply.com/photos. Kung indi gumana ang link na ito, meron sa gilid.
Sayang nga lang at umuwi kaagad sina Karlo, Rob at Chax. Kelangan na daw kasi nila umuwi.
Tumambay at naglasingan kami sa mga pambahay/pantulog namin. Terno pa nga sina Rina at Ginny. Maraming nabangag. Hindi ako kasali dun kasi nailabas ko na yung alcohol bago ako nalasing. May mga umiyak, may mga mala-teleserye ang mga buhay... iwan ko na lang na ganun.
Nag-biritan kami sa mikropono. Yung mga ibang bisita nga e... feel ko umalis dahil sa sobrang ingay namin. Mas masaya pala maglabas ng sama ng loob sa pagkanta! Hindi ko alam. Ang ginagawa ko kasi dati, naninipa ako... basta, violent. Napaos na nga ako e!
Sa tingin ko, mas masaya nung simula kaming sumayaw nina Jake, Gracie, Tiff, Archie, Ritz at minsan si Iking. Natuto akong sumayaw ng Justing Timberlake, Vhong Navarro, Cha-cha at Swing. Na-inspire tuloy ako matuto mag-dance lessons. Masaya pala ang jazz at hip hop dance. Wala lang.
Natapos na nga lang kami sumayaw nang wala na kaming 5-peso coins na kinakain ng videoke machine.
Mga dalawang oras lang ang tulog ko. Sa sleeping bag ako natulog kasi wala nang space. Ok lang, parang cowboy.
Nung umaga, nag-ikot kami kasama sina Gracie, Iking at Archie. Wala lang. wala nang magawa e. Uhaw na nga rin kami kasi medyo naubusan kami ng tubig nung gabi.
Nakatulog ulit ako hanggang sa sinundo na kami ni Mang Domeng. Sumama sina Archie, Ritz at Rina.
Dapat nga, susunduin ako ni Mom sa bahay ni Gracie kaya lang hindi kami makapasok. Wala yung susi sa dapat niyang kinalalagyan. Dahil sa Megamall ang pamilya niya, sinabihan ko na lang si mom na sunduin ako sa Megamall. Ayos naman ang lahat.
Naisip ko lang na sa tagal na panahon kaming nagsa-sama, napansin ko nah indi ko pa pala lubusang kilala ang mga taong tinatawag kong barkada. Alam ko namang lahat ng tao, may mga bagay-bagay na tinatago (meron din akong mga ganuan). Simula pa lamang, hindi ako sumasama sa mga outings at gimiks ng block at barkada pag bakasyon. Palagi ko kasi kasama pamilya ko sa Jakarta.
Ngayon, naisip ko naman na ang taong ito ay ibigay ko sa aking mga kaibigan. Huling taon na namin sa kolehiyo. Nasa isang paaralan lamang kami ngunit ang hirap hagilapin. Pano na lamang kung nag-ttrabaho na kami at may sariling pamilya??? Pahirapan talaga.
Gusto ko sana sa lahat ng pagkakataon, makapiling ko ang aking mga naging kaibigan sa kolehiyo. At gagawin ko iyon!
No comments:
Post a Comment